Sunday, February 23, 2014

LETTER FROM UNCLE BOBO



Ako'y nalulungkot sa nangyayari ngayon sa aking pinakamamahal na akademya...ngayon lang nangyari ang ganitong pagkakataon na naipawalas sa buong sanlibutan ang patakaran na nagsisilbing gabay sa katinuan ng aking mga pamangkin...kahit ako'y hindi exempted sa regulasyong ito at hanggang ngayon ay ito lang hinding hindi ko pinagsawalang bahala kahit ano pa mang mangyari. nadeficient na ako, nag removals, nag explain ng sandamukal na offense, nag touring, at naturnedback ng ilang beses...pero buo pa rin ang tiwala ng mga mistah ko dahil never akong nag violate at kinuwestyon ang honor code dahil kung naviolate ko yun, wala nang uncle bobo...sa kabila ng lahat, nais kong sumaludo sa lahat ng mga mistah, grumadweyt man o hindi at higit sa lahat sa mga naging pamangking kong pumasyang nag resign dahil sa paglabag sa honor code habang nasa loob ng akademya - dahil pinatunayan nyo ang mataas at nakatitindig balahibong respeto nyo sa ating kinagisnan at pinakamamahal na alma mater. sa lahat ng mga fans kong mga sibilyan, isipin nyo na lang po na ang lahat ng mga regulasyon na pinapatupad ng PMA para sa amin ay para po sa kabutihan ng ating mga susunod na mga leaders ng AFP, upang maging handa sila sa mga susunod na hakbang nila sa pagserbisyo sa ating bansa na may disiplina, integridad at may buong tapang na maglingkod sa inyo habang kayo ay mahimbing na natutulog sa gabi...meron man sa aking mga pamangkin ang nagkamali pagkatapos nilang grumadweyt, ngunit hindi eto matutumbasan ang mga sakripisyo ng mga higit na nakakarami sa kanila lalo na sa mga nagbuwis ng buhay para sa kapakanan ng ating bansa at alam kong alam nyo iyon. tao lang po kasi sila, hindi sila superheroes. salamat po! <hikbi>

No comments:

Post a Comment